Apat mambabatas na wanted, pinasusuko na ni Albayalde

Apat mambabatas na wanted, pinasusuko na ni Albayalde

July 29, 2018 @ 12:41 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Personal na nanawagan ang mismong hepe ng pambansang pulisya na si Director Gen. Oscar Albayalde na boluntaryong isuko ng apat na dating kongresista ang mga sarili.

Ayon kay Albayalde mas mabuting sumuko na lamang ang mga dating mambabatas.

Hindi pa anya natatanggap ng pulisya ang kopya ng mga arrest warrant ngunit sakali ay wala silang ibang magagawa kundi ipatupad ito.

Una ng inilabas ang warrant of arrest laban kina Satur Ocampo at Teddy Casiño ng Bayan Muna; National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza ng Gabriela, at dating Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano ng Anakpawis, mga tinaguriang miyembro ng “Makabayan Bloc”.

Inilabas ni Judge Evelyn Turla ng Palayan, Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 40 ang arrest warrants laban sa apat dahil sa kasong murder sa pagkamatay nina Danilo Felipe, Carlito Bayudang at Jimmy Peralta noong pang 2001 at 2004.

Noon pa man ay mariin nang itinatanggi ng mga dating mambabatas ang akusasyon. (Jeff Gallos)