Apat minasaker sa loob ng kotse sa Rizal

Apat minasaker sa loob ng kotse sa Rizal

August 23, 2022 @ 7:27 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naliligo sa kanilang sariling dugo ang apat na mga bangkay na natagpauan sa loob ng isang kotse sa Rodriguez, Rizal nitong Lunes ng umaga.

Sinabi ni Rodriguez Municipal Police Station, Chief of Police, PLt. Col. Marcelino Pipo, dakong alas-5:00 ng umaga nang madiskubre ang isang Nissan na kotse na kulay grey na may plakang NGU-1923.

Makikita sa loob ng kotse ang dalawang lalaki at dalawang babae na kapwa duguan sa Sitio Balagbag, Barangay San Isidro.

Kaagad naman itong ipinagbigay alam ni Col. Pipo kay Rizal Provincial Police Office, PCol. Dominic Baccay, ang nasabing insidente kung saan ay agad na tumungo sa lugar kasama ang Rizal Scene of the Crime Operatives (SOCO) subalit hanggang sa ngayon ay wala pa ring impormasyon hinggil sa pagkamatay ng mga biktima.

Habang ginagawa ang artikulong ito ay hindi pa rin malinaw sa ngayon kung ang mga tinamong tama mg mga biktima sa katawan ay dulot ng baril o ng patalim habang patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Inaalam pa din ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima at kung ano ang dahilan ng nasabing pagmasaker sa mga ito gayundin sa pagkakakilanlan ng mga suspek. Toto Nabaja