Apat na durogista, huli sa buy-bust

Apat na durogista, huli sa buy-bust

July 17, 2018 @ 4:44 PM 5 years ago


 

Sta. Ana, Maynila – Timbog ang apat na durogista sa buy-bust operation ng Manila Police District-Station 6 kaninang madaling araw.

Kinilala ni P/Supt Albert Barot, hepe ng MPD-PS 6 ang mga suspek na sina Joseph Ong, 25;  Richard Matienzo, 23; Jose Ram Espinosa, alyas Ram-Ram, 24; at si Reynaldo Sabio, alyas Recie, 22.

Naaresto ang apat sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng MPD-PS 6 at PDEA sa ikinasang buy bust operation sa kahabaan ng Zobel-Roxas St., corner Madre Perla St., Brgy 764, San Andres Bukid, Maynila pasado alas 12 ng madaling araw.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P5,200.

Dinala na sa MPD-Crime Laboratory ang naturang mga ebidensya para sa eksaminasyon.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Dangerous Drugs Act ang mga suspek na ngayon ay kapwa nakakulong sa Sta. Ana Police Station. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)