Manila, Philippines – Apat na indibidwal ang arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 8 sa ikinasang buy-bust opeartion kagabi sa Sta.Mesa, Maynila.
Nakakulong na ngayon sa detencion cell ng MPD-PS8 ang mga suspek na sina Henry Sangel, alyas Mahal; James Gomez alyas Robin; Alvin Subico at isa pa.
Ayon sa pulisya, target ng kanilang operasyon si Sangel nà nasa listahan ng Top 1 most wanted person sa Sta.Mesa, Maynila.
Ikinasa ang buy-bust kung saan bumuo ng grupo ang MPD-PS 8 at ikinasa ang buy-bust operation.
Dito na positibong naaktuhan si Sangel na nagbebenta ng iligal na droga.
Napag-alaman din na may standing warrant of arrest si Sangel.
Inabutan din ng pulisya ang tatlo pa na buyer o bumibili ng shabu kay Sangel kung saan napag-alamang may dati na ring kaso si Subico at nasa top 5 most wanted sa Sta.Mesa,Maynila nang magkaroon umano ng hindi magkakaunawaan sa pagitan niya at nang kanyang bayaw.
Nakuha sa mga suspek ang 5 sachet ng hinihinalang shabu at kalibre 22.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga naaresto . (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)