Apat na lalaki, huli sa Beat Patrol sa Manila

Apat na lalaki, huli sa Beat Patrol sa Manila

June 21, 2018 @ 10:37 AM 4 years ago


Apat na indibiduwal ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-PS 3 sa ikinasang Beat Patrol sa kahabaan ng Calero St., Sta.Cruz, Maynila.

Nakatakdang iharap ngayon sa kasong P.D. 1602 (Illegal Gambling) and R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang mga suspek na sina Niko Baloyo, 25, binata; Joel Pisngot, 33, binata, walang trabaho; Richard Barbosa, 33; at Jenemy Dallano alyas Bing, 30.

Ayon sa MPD-PS 3, nagsagawa ng beat patrol sina PO2 Ronoilen Pacino, PO1 Huward Dela Cruz, PO1 Jomel Banuelos and PO1 Mark Kavin Bravo ng Plaza Miranda PCP nang mamataan ang mga suspek na nagsusugal.

Nang sitahin at kapkapan ang mga ito ay nakuha mula sa kanila ang 4 na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at mga pera na ginamit sa sugal dahilan upang sila ay arestuhin.

Isinumite naman sa MPD-CLO para sa eksaminasyon. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)