APAT NA LUNGSOD MAWAWALAN NG SUPLAY NG TUBIG HANGGANG PEBRERO 15

APAT NA LUNGSOD MAWAWALAN NG SUPLAY NG TUBIG HANGGANG PEBRERO 15

January 24, 2022 @ 6:15 AM 8 months ago


NAGSIMULA noong ika-20 ng Enero, walang tubig ang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Paranaque at Pasay dahil sa “increased turbidity” sa Laguna Lake, ayon sa Maynilad Water Services, Incorporated. Ang problema, mararanasan ito hanggang February 15 o halos isang buwan.

 

Dahil sa lubhang malabong tubig mula sa lawa ay napilitan ang Maynilad Water na magbawas ng kanilang produksyon sa treatment plants. Kaya dapat ay nakapag-imbak kayo ng tubig.

 

Ang mga apektadong lugar sa Las Piñas ay ang Almanza Uno, Almanza Dos, Pilar, Talon Uno,Talon Tres hanggang Talon Singko, Manuyo Dos, Pamplona Uno hanggang Pamplona Tres, Pulang Lupa Uno, Pulang Lupa Dos, Zapote at ang C-A-A o ang Civil Aviation Authority

 

Habang sa Muntinlupa ay ang Alabang, Ayala Alabang, Cupang, Bayanan, Poblacion,  Putatan at Tunasan.

 

Sa Parañaque ay ang Almanza Uno, BF Homes at BF International, C-A-A o ang Civil Aviation Authority, Barangay 183, Barangay 201, Don Bosco, Marcelo Green, Merville Subdivision, Moonwalk, San Antonio at San Isidro.

 

Sa Pasay naman ay ang Barangay 181 hanggang 185 at Barangay 201.

 

Kung titingnan natin ang ulat ng Hydrological Information ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) inilabas ika-20 ng Enero ng umaga (8:00AM), bumaba na sa 198.85 meters ang level ng tubig sa Angat Dam. Maituturing mataas parin ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil ang Minimum Operating Water Level (MOWL) ng Angat dam ay nasa 180 meters.

Pagpasok na buwan ng buwan ng Abril at Mayo, mas mararamdaman natin ang matinding init ng panahon. Kailangang alamin ang konsumo sa tubig sa araw-araw na mga gawain, tulad ng paliligo, pagsesepilyo at paghuhugas ng kamay.  Hindi maiiwasan na mas maraming gagamit ng tubig sa pagpapaligo at pagpapalit ng kasuotan kapag sila’y napawisan.  

Kapag hindi tayo marunong magtipid, ang kasalukuang 198.85 meters level ng tubig sa Angat dam ay patuloy na bababa, pati na rin sa Bustos Dam at Ipo Dam.

 

Simulan natin ang pagtitipid sa tubig,  upang masiguro natin ang sapat at patuloy na suplay ng tubig para sa pangangailangan ng bawat tahanan. Kapag may sapat na tubig, matulungan natin ang mga apektado sektor tulad ng agrikultura, aquaculture, sa enerhiya at sa kapaligiran, at sa kabilang dako, tayo rin ang apektado, kung walang suporta at pagkakaisa ng bawa’t isa.