APAT NA PANGUNAHING SAKIT SA BAGA NA PUMAPATAY, TINUTUTUKAN NG LUNG CENTER

APAT NA PANGUNAHING SAKIT SA BAGA NA PUMAPATAY, TINUTUTUKAN NG LUNG CENTER

August 12, 2022 @ 3:15 PM 2 months ago


Ang inyong Agarang Serbisyo Lady ay nakikiisa sa obserbasyon ng buwan ng Agosto bilang “National Lung Month” alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1761 na sinimulang ipag-utos ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1978.

 Alam n’yo bang nasa 16th place tayo batay sa country profile ng WHO o World Health Organization kung saan 4.26% ng ating populasyon ang namamatay kada taon sanhi ng karamdaman sa baga.

 Apat ang pangunahing sakit sa baga na pumapatay sa ating mga kababayan taun-taon, kabilang sa top ten killer diseases ang pneumoniatuberculosischronic obstructive pulmonary disease at ang lung cancer. Pero kinukunsidera na ring maidadagdag ang coronavirus disease 2019 dahil nasa 60,864 ang nasasawi mula sa 3.81 million na tinamaan ng virus. Sa United States kasi ay kinukunsidera na ito bilang bagong karamdaman ukol sa baga dahil nga ang pinababagsak ng virus nito ay ang respiratory system.

 Halos magkahalintulad din kasi ang mga sintomas na makikita sa COVID-19 at sa colds and flu katulad ng pabalik-pabalik na lagnat, hirap sa pag-ubo at paghinga, pagkakaroon ng sore throat, at panghihina ng katawan o over-fatigue.

 Mabilis makahawa sa pamamagitan ng human-to-human transmission ang COVID-19 kaya nakaka-apekto kung ikaw ay malakas sa paninigarilyo, nasa isang masyadong polluted na kapaligiran o komunidad katulad ng mga minahan, laganap ang malnutrisyon, pabaya sa sariling kalinisan at maging ng sariling tahanan.

 Kaya naman para makaiwas sa mga karamdaman sa baga, iwasan ang paninigarilyo o kung ikaw ay chain smoker pa, simulan na matutunang mapigilan at matigilan ito sa pamamagitan ng mga akmang programa, makipag-ugnayan lamang sa LCP o ang Lung Center of the Philippines o mismo sa DOH o Department of Health sa pamamagitan ng hotline na 8651-7800 local 5003 o 5004, puwede din sa sa email address na [email protected] o sa mobile number na 09191601418.

 Mahalaga din ang pagsusuot ng face mask para maiwasan ang mga pollutant particles na makapasok sa ating baga, kailangan ang healthy and balanced diet, regular exercise kahit sa bahay lamang, hygiene and sanitation, at pahalagahan ang kapwa sa pamamagitan ng cough etiquette at hindi paninigarilyo sa hindi akmang lugar.