Apat na pulis-Makati, sibak sa pwesto

Apat na pulis-Makati, sibak sa pwesto

July 5, 2018 @ 4:42 PM 4 years ago


Makati City – Apat na police Makati ang sinibak na matapos lumabas sa video na pinagtatawanan nila ang isang babaeng drug suspect na pinahubad at pinatuwad sa harapan ng ilang kalalakihan na naganap noong Marso 2017 sa tanggapan ng Station Anti-Illegal Drug (SAID), Makati City Police Headquarters.

Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang mga sinibak sa tungkulin ay ang hepe ng SAID na si Senior Inspector Valmark Funelas;  mga tauhan nitong sina Police Officer 1 Stephanie Limhap; PO1 Heizelle Maramag at PO1 Francis Intia.

Ang pagsibak sa apat na police Makati ay base sa mahigpit na kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde.

Nag-ugat ang pagsibak sa apat na police Makati  dahil sa isang video na ibinigay sa isang television network hinggil sa pinagtatawanan umano ng nasabing mga police ang isang babaeng drug suspect na naaresto nito kung saan pinaghubad at pinatuwad umano nila ito sa harapan ng mga kalalakihan.

Malinaw aniya nagkaroon ng paglabag ang nasabing mga police at nanganganib na malagay sa balad ng alanganin ang kanilang serbisyo bilang mga alagad ng batas. (James Catapusan)