Apat na pulis-Muntinlupa kalaboso sa extortion

Apat na pulis-Muntinlupa kalaboso sa extortion

July 14, 2018 @ 9:24 AM 4 years ago


Muntinlupa City – Arestado ang apat na pulis-Muntinlupa sa entrapment operation kahapon matapso mangikil ng aabot sa P300,000.

Isang alyas ‘Madam’ ang nahuli nina PO2 Farvy Dela Cruz, PO1 Jon-Jon Averion, PO3 Romeo Par, at SPO1 Psylo Joe Jimenez, na mga miyembro ng Intelligence at Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa police at pinagbabayad siya ng malaking halaga para maabswelto.

Pero maliban sa extortion, sinabi ni Madam na sinaktan pa raw siya ng mga pulis at pinasok pa ang kanyang bahay.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng entrapment ops ang Regional Special Operations Unit ng National Capital Region Police Office o NCRPO at dito na naaresto ang mga pulis sa headquarters ng Muntinlupa City Police Station.

Galit na galit naman si NCRPO Chief Guillermo Eleazar sa apat na pulis, lalo’t kamakailan ay may nahuli nang mga pulis na dawit din sa extortion.

Mismong si Eleazar ang nagpasok sa mga pulis sa loob ng kulungan.

Inaalam na ng mga otoridad kung sangkot sa ilegal na droga ang suspek, dahil narekober sa kanilang opisina ng ang ilang drug paraphernalia. (Remate News Team)