Apat patay sa road mishap sa Sarangani

Apat patay sa road mishap sa Sarangani

July 13, 2018 @ 6:53 PM 4 years ago


Sarangani – Patay ang apat na indibidwal habang maraming iba pa ang malubhang nasugatan matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang 10-wheeler truck sa Sarangani kanina.

Sakay sa naturang sasakyan ang nasa 38 katao.

Batay sa inisyal na report, naganap ang aksidente sa bahagi ng Barangay Malandag sa bayan ng Malungon.

Ayon kay Police Supt. Ramon Gencianos, hepe ng Malungon Police, nawalan umano ng preno ang truck habang nasa biyahe dahilan para ito ay mawalan ng kontrol at tumagilid.

Ani Gencianos, tumilapon ang mga pasahero ng truck.

Dinala sa Malungon Municipal Hospital ang mga nasugatan habang inaalam pa hanggang  isinusulat ang ulat na ito ang pagkakakilanlan sa mga nasawi sa  malagim na trahedya (Jeff Gallos)