Apektadong ruta ng nadiskaril na tren ng PNR, balik-normal na

Apektadong ruta ng nadiskaril na tren ng PNR, balik-normal na

November 2, 2022 @ 10:41 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Naibalik na sa normal na operasyon ang mga byahe ng tren ng Philippine National Railways (PNR).

Matatandaang umaga ng Miyerkules, Nobyembre 2 ay ibinalita na may isang tren ng PNR na nadiskaril malapit sa Magsaysay Crossing sa Sta. Mesa, Manila dahilan upang maapektuhan ang byahe mula Tutuban papuntang Alabang, Bicutan, Binan at pabalik.

Sa abiso sa pamamagitan ng isang tweet, sinabi ng pamunuan na balik na sa normal na operasyon ang rutang Tutubang patungong Alabang, Bicutan at Binan, maging ang pabalik.

Nagpasalamat naman ang PNR sa pang-unawa ng mga apektadong byahero. RNT/JGC