Apela ni Archbishop Palma sa publiko, manatiling kalmado

Apela ni Archbishop Palma sa publiko, manatiling kalmado

July 10, 2018 @ 3:23 PM 5 years ago


Cebu City – Huwag magdulot ng mga espekulasyon habang iniimbestigahan ang pangyayari.

Ito ang hiniling ni Cebu Archbishop Jose Palma sa publiko kaugnay sa pagkabaril at pagpatay sa isang lalaki sa loob ng Archbishops Palace sa Cebu.

Kasabay nito umapela rin ang Arsobispo na manatiling kalmado sa kabila ng insidente.

Ayon kay Cebu Auxiliary Bishop Dennis Villarojo sa panayam ng Radio Veritas, umapela si Archbishop Palma sa lahat na huwag gumawa ng espekulasyon sa di umano’y planong sya ay likidahin.

“He appealed for calm, and don’t make any speculations because investigations are still on-going. Let the process take its course.” ng pahayag ni Bishop Villarojo sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, tinatayang alas onse ng umaga ng dumating sa lugar ang lalaki at hinahanap si Archbishop Palma sa hindi nalalamang dahilan.

Hinarang naman ng isa sa mga kawani ng Arsobispo ang lalaki dahil wala noon si  Cebu City  Archbishop Palma.

Isinalarawan ng kawani ni Archbishop Palma na tila wala sa sarili at balisa ang napatay na si Jeffrey Mendoza Canedo.

Patuloy ang pag-iimbistiga ng pulisya sa motibo ng lalaki sa paghahanap nito sa Arsobispo.

Kaugnay nito, binasbasan naman ni Bishop Villarojo ang bangkay ng lalaki at inalayan ng panalangin. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)