Apela ni Cornejo: Vhong Navarro ibalik sa kulungan!

Apela ni Cornejo: Vhong Navarro ibalik sa kulungan!

January 4, 2023 @ 4:02 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Dapat ibalik sa kulungan ang host at comedian na si Vhong Navarro.

Ito ang nakasaad sa motion for reconsideration na inihain sa Taguig RTC ng modelong si Deniece Cornejo kaugnay sa desisyon ng korte na payagan na makapagpiyansa si Navarro noong Disyembre 5, 2022.

Nakasaad sa mosyon na nabigo si Navarro na maghain ng formal offer of evidence gaya ng iniutos ng korte noong Nobyembre 11 at 18.

Nagkamali rin umano si Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 69 sa ilalim ni Judge Loralie Datahan ng sabihin na hindi dapat palagpasin ang magkakaibang pahayag ni Cornejo sa kanyang affidavits at testimonya.

Nilinaw sa mosyon na hindi sinabi ng complainant na hindi siya ginahasa.
Sinadya lamang umano ng complainant na manahimik dahil sa takot sa stigma na isang rape victim.

Naghain din ang kampo ni Cornejo ng motion to inhibit laban kay Judge Datahan.

Inakusahan ni Cornejo ang hukom sa pagiging biased at may pagkiling kung kaya’t imposible aniya para sa kanila na makamit ang hustisya. Teresa Tavares