Apela ni dating Senador Estrada, ibinasura

Apela ni dating Senador Estrada, ibinasura

July 31, 2018 @ 3:48 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni dating Senator Jinggoy Estrada na i-dismiss ang plunder case laban sa kanya matapos silang makakita ng probable cause.

Dahil dito, magpapatuloy pa rin ang pagdinig sa kasong isinampa sa kanya kaugnay sa pagkakasangkot nito sa multibillion-peso Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam kasama ang umano’y mastermind nito na si Janet Lim Napoles.

September 2017 nang makalaya ang dating senador matapos matanggap makapagpiyansa sa kasong graft at plunder kaugnay ng pork barrel scam. (Remate News Team)