Apela ni Pres. Trump na ibasura ang climate change case, binalewala ng korte

Apela ni Pres. Trump na ibasura ang climate change case, binalewala ng korte

July 31, 2018 @ 7:01 PM 5 years ago


 

USA – Hindi kinatigan ng US Supreme Court ang gusto ni President Donald Trump na ibasura na ang kasong sinampa ng mga kabataang aktibista sa US government kaugnay sa hindi pagpansin sa climate change.

Nasa 21 aktibistang may edad 11 hanggang 22 ang nagsabing nabalewala ang kanilang karapatan sa due process sa hindi pagtalima ng gobyerno sa problema ng carbon pollution gaya ng patuloy na pagsunog ng fossil fuel.

Ang kaso ay isinampa noon pang 2015 laban kay dating Pangulong Barack Obama at sa ilang ahensiya ng pamahalaan sa federal court sa Oregon at minana na ng administrayon ni Trump.

Umapela si Pres. Trump na ibasura na o i-hold na muna ang kaso pero ayon sa korte, mayroong substantial grounds ang kaso laban sa gobyerno. (Remate News Team)