Apela ni Vhong sa CA, ibinasura

Apela ni Vhong sa CA, ibinasura

September 26, 2022 @ 5:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ibinasura ng Court of Appeals ang apela ni Vhong Navarro na irekonsidera ang desisyon ng Department of Justice na tanggapin ang reklamong rape at acts of lasciviousness na inihain ng model-stylist na si Deniece Cornejo.

Sa pitong pahinang resolusyon na may petsang Setyembre 20 at pirmado ni Associate Justice Florencio Mamauag Jr., hindi tinanggap ang apela ni Navarro sa status quo ante order.

“The issues raised by Navarro in his motion, i.e., the parties’ credibility, the truthfulness of their respective claims and the strength of their evidence, are matters best left to the determination of the trial court after a full-blown trial on the merits,” sinabi sa resolusyon.

“We reiterate once more that preliminary investigation is merely inquisitorial. It is not a trial of the case on the merits and has no purpose except that of determining whether a crime has been committed and whether there is probable cause to believe that the accused is guilty thereof. While the fiscal makes that determination, he cannot be said to be acting as a quasi-court, for it is the courts, ultimately, that pass judgment on the accused, not the fiscal,” dagdag pa.

Sa kasalukuyan ay nananatili si Navarro sa kustodiya ng National Bureau of Investigation makaraang ibaba ng Taguig City Regional Trial Court ang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa kasong rape na walang nakalaang piyansa.

Matatandaan naging maugong ang isyu ni Navarro noong 2014 nang maibalita na bugbog-sarado ito ng grupo na kinabibilangan ni Cornejo at negosyanteng si Cedric Lee. RNT/JGC