Apelang online COC filing, ‘di pinagbigyan ng Comelec

Apelang online COC filing, ‘di pinagbigyan ng Comelec

August 22, 2021 @ 4:11 PM 11 months ago


MANILA, Philippines – Hindi pinagbigyan ng  Commission on Elections (Comelec) ang online filing ng certificates of candidacy (COC) sa kabila ng panawagan sa gitna ng COVID-19 pandemic .

Ayon sa Comelec  ang  COC ay dapat ihain  ng aspirant candidate o nang kanyang kinatawan na may sinumpaan at pirmadong “Authority to File the COC.”

Batay na rin ito sa  40 pahinang resolusyon na inaprubahan noong Aug.18 ng Comelec.

“No COC filed by mail, electronic mail, telegram or facsimile shall be accepted. The filing of the COC of a substitute aspirant, in case of valid substitution, shall be filed in accordance with (Section 40 of the resolution), ayon pa sa Comelec.

Ang paghahain ng COC ay sa October 1 hanggang 8  kasama ang weekends mula alas 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

Tatatakan ng “received” sa mismong araw ng filing ang mga COC  na isinumite alinsunod na rin sa alituntunin ng Comelec.

Kapag hindi kumpleto ang dokumento ay hindi naman tatanggapi  kahit pa ang mismong kandidato ang magsusumite ng kanyang COC

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Comelec na mayroon na lamang 39 araw upang magparehistro para sa May 2022 election. Jocelyn Tabangcura-Domenden