APINK member Chorong at Bomi maglalabas ng bagong album

APINK member Chorong at Bomi maglalabas ng bagong album

June 13, 2022 @ 7:58 AM 2 weeks ago


SEOUL, South Korea – Sa kauna-unahang pagkakataon bilang isang unit, maglalabas ng bagong album ang APINK member na sina Chorong at Bomi.

Ayon sa IST Entertainment, makaraang bumuo ng bagong unit na tinawag na ‘ChoBom’ ang dalawang miyembro, inaasahan naman na maglalabas ito ng mga bagong awitin pagdating ng Hulyo.

Ito ang magsisilbi nilang kauna-unahang album at kauna-unahan ring unit na nabuo ng grupo mula nang sila ay mag debut 11 years ago.

Ang APINK ay nag debut taong 2011 kasama ang anim na miyembro na sina Oh Ha-young, Jung Eun-ji, Kim Nam-Joo, Yoon Bomi, Park Cho-rong at Son Na-eun. RNT/JGC