Aplikasyon sa UPCA 2023 pinalawig

Aplikasyon sa UPCA 2023 pinalawig

October 16, 2022 @ 8:39 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinalawig ng pamunuan ng University of the Philippines (UP) ang aplikasyon para sa UP College Admissions (UPCA) para sa taong 2023.

Sa halip na kahapon, Oktubre 15 ang nakatakdang huling araw ng aplikasyon ay ginawa na itong hanggang Oktubre 22.

“UPCA 2023 application requirements will be accepted until 22 October 2022,” ayon sa pahayag ngUPCAT – U.P. System.

Isinasagawa sa pamamagitan ng official website ng UP Admission ang naturang aplikasyon.

“For questions, please only inquire thru the official helpdesk channels of the UP Office of Admissions via Messenger Room or Chat from Monday thru Saturday, 9 AM to 9 PM PST,” dagdag pa ng pamunuan.

Matatandaan noong nakaraang buwan nagsimula ang pagtanggap ng UP ng mga aplikante.

Ang UPCA 2023 ang pinakahuling UP admission na hindi gagawin sa pamamagitan ng tradisyonal na pen-and-paper test makaraan ianunsyo ng unibersidad na ibabalik na sa susunod na taon ang face-to-face UPCAT. RNT/JGC