Aplikasyon sa UPCAT, hanggang Oktubre 15 na lang

Aplikasyon sa UPCAT, hanggang Oktubre 15 na lang

October 9, 2022 @ 11:40 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hanggang Okture 15 na lamang ang aplikasyon para sa University of the Philippines College Admissions (UPCA) para sa academic year 2023-2024.

Ito ang inanunsyo ng UPCAT – UP System sa pamamagitan ng kanilang Facebook page kung saan ang mga interesadong aplikante ay maaaring bumisita sa official website ng UP Office of Admissions.

“Please make sure to submit all requirements, online application forms and the hard copy of records, by 15 October 2022,” ayon sa pahayag.

Maaari rin magpadala ng mensahe sa kanilang messenger room sa iba pang mga katanungan kaugnay ng UPCA 2023.

Matatandaan nagbukas ang aplikasyon para sa pagsusulit noon pang Setyembre 16 at ito na rin ang pinakahuling admission process na gagawin bago ang pagbabalik ng tradisyonal na pen and paper test na face-to-face. RNT/JGC