Apo Whang-Od, pumili ng design, nagpa-tattoo sa tattoo artist!

Apo Whang-Od, pumili ng design, nagpa-tattoo sa tattoo artist!

January 21, 2022 @ 3:38 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Wow! Ang suwerte naman ng tattoo artist na si Diegz Madrona. And why?

Nagpa-tattoo lang naman sa kanya ang pinakamatandang “mambabatok” sa Kalinga na si Apo Whang-Od.

Sabi nga ni Diegz ay “once in a lifetime” ang chance na matatuan niya si Apo Whang-Od.

Teka, paano nga ba nangyri ‘yun?

Ayon sa report ay nagpa-tats si Diegz ng kanyang unang tattoo kay Apo Whang-od last year at na-shock siya dahil nag-request din ang tattoo icon na tatuan din siya gamit ang kanyang “makina” sa pagta-tattoo.

“Nag-picture-picture na po kami, tapos nakita ‘yung machine ko, ang sabi ang ganda raw doon sa word po nila. Tapos baka puwede ko raw po siyang tatuan.

“Tapos sabi ko ‘Sige po.’ Tapos may dala raw po ba akong gamit? Sabi ko ‘Wala po, eh, pero puwede po ‘yung ink niyo po na traditional,” kuwento ni Diegz.

Ang sabi pa, si Whang-Od ang pumili ng design, na siya namang nilagay ni Diegz.

“Kinakabahan po ako nu’n. Hindi ko alam ang gagawin ko pero go na lang ako nang go kasi once in a lifetime talaga mangyayari ‘yun, eh, kaya ginawa ko na po,” sabi ng tattoo artist.

Kinabahan daw si Diegz nang tatuan niya si Whang-Od.

“Sobrang pumapaling pero pilit kong nilalabanan ‘yung pagpaling niya. Tapos nararamdaman din nila o nakikita ng mga nanonood sa amin ‘Uy sir nanginginig ka ah, pumapaling ah.’ Ako, parang hindi ko pinapakinggan. Moment ko na ito, gagawin ko na ito kahit ano man ang mangyari. Halatang halata, sobra. ‘Yung kaharap mo talagang respetado, eh.

“Noong tinatatuan niya ako hindi ko naramdaman ‘yung sakit kasi sobrang saya ko po, eh,” dagdag niya. Joey Sarmiento