Apolinario bagong IBO champ

Apolinario bagong IBO champ

July 31, 2022 @ 9:35 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Tinapos ni unbeaten Filipino boxer Dave Apolinario ang pagka-uhaw ng bansa sa  world title sa boxing noong Sabado ng gabi.

Ginulat ng Pinoy ang dating 3-division  world champion na si Gideon Buthelezi matapos siyang ma-knockout sa first round ng kanilang IBO world flyweight crown  fight na ginanap sa  East London, South Africa.

Dinurog ni Apolinario, binansagang “Doberman,” si Buthelezi sa pamamagitan ng left straight-right hook combo, dahilan para bumagsak ang South African fighter.

Sinubukan pa ni Buthelezi na bumangon subalit inabutan siya ng 10 count ng referee dahilan para makuha ng Pinoy ang knockout win.

Dahil sa panalo, umangat ang record ni Apolinario sa 17-0, na may 12 knockouts.

Bagama’t  hindi masyadong kinikilala ang titulo, ang IBO strap ni Apolinario ang unang world boxing title ng Pilipinas mula nang mawala ni Mark Magsayo ang kanyang WBC featherweight crown kay Rey Vargas ng Mexico.JC