App na tatapat sa Twitter bubuuin ng Meta

App na tatapat sa Twitter bubuuin ng Meta

March 11, 2023 @ 2:40 PM 3 weeks ago


SAN FRANCISCO – Sinabi ng Facebook owner na Meta na bumubuo sila ng isang bagong  “text sharing” social media platform, isang app na posibleng tatapat sa Twitter.

Mula nang bilhin ng bilyonaryo na si Elon Musk ang Twitter noong Oktubre, ang maimpluwensyang website ay dumanas ng mga pagkawala, pagtanggal ng mga advertiser nito.

“We’re exploring a standalone, decentralized social network for sharing text updates,” anang Meta.

“We believe there’s an opportunity for a separate space where creators and public figures can share timely updates about their interests,” dagdag pa ng social media giants.

Noong Disyembre, panandaliang ipinagbawal ni Musk sa Twitter account na nagbigay ng mga link sa iba pang mga social media platform, kabilang ang Facebook, Instagram at Mastodon. RNT