Apple Inc, Amazon.com Inc vs. spy chip ng China, itinanggi!

Apple Inc, Amazon.com Inc vs. spy chip ng China, itinanggi!

October 6, 2018 @ 10:35 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Apple Inc at Amazon.com Inc ang ulat ng Bloomberg nitong Huwebes na ang kanilang system ay mayroong maliliit na computer chips mula sa Chinese intelligence, ayon sa statement mula sa dalawang kompanya na inilabas ng Bloomberg.

Inilahad ng Bloomberg Businessweek ang 17 unnamed intelligence at company sources at sinabing mayroong inilagay na maliliit na compouter chips ang Chinese spies sa loob ng mga equipment na ginagamit ng 30 kompanya at US.government agencies, na siyang nagbibigay ng access sa Beijing sa internal networks nito.

Kasunod ng ulat, hindi pa nagbibigay ng komento ang FBI, Department of Homeland Security at NSA spokeswoman.

Maging ang Ministry of Foreign Affairs ng China ay hindi sumagot sa written request upang magbigay ng kanilang komento.

Kamakailan, itinaggi ng Beijing ang mga alegasyon tungkol sa mga ulat na nagsasagawa ang mga ito ng planong pag-atake kontra sa mga Western company.

Ayon sa Amazon Web Services, “At no time, past or present, have we ever found any issues relating to modified hardware or malicious chips in Super Micro motherboards in any Elemental or Amazon systems. Additionally, we have not engaged in an investigation with the government.”

Pinabulaanan din ang Apple ang naturang alegasyon at sinabing, “Apple has never found malicious chips, ‘hardware manipulations’ or vulnerabilities purposely planted in any server,” ayon sa kompanya.

Pinanindigan naman ng Bloomberg na ang kanilang ulat ay totoo.

“Seventeen individual sources, including government officials and insiders at the companies, confirmed the manipulation of hardware and other elements of the attacks,” ayon sa statement.

“We stand by our story and are confident in our reporting and sources.”

Ayon sa ulat, ang mga maliit na chips ay inilagay ng Chinese People’s Liberation Army upang mapasok ang Super Micro Computer Inc., gumagawa ng computer hardware.

Isinagawa ang naturang operasyon upang targetin at makuha ang mga mahahalagang commercial secrets at government networks, ayon sa news agency./Remate News Team