Apple nagbabala sa aberya sa iPhones, Macs na pwedeng samantalahin ng mga hacker

Apple nagbabala sa aberya sa iPhones, Macs na pwedeng samantalahin ng mga hacker

August 19, 2022 @ 1:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang apple sa depekto na maaaring maging daan upang mapasok ng hackers ang kanilang iPhones, iPads at Mac computers, at hinikayat ang mga user na mag-install ng emergency software updates.

Nagpadala na ng patches ang tech titan upang ayusin ang “vulnerability” na alam ng hackers  at maaaring sinasamantala nila.

“Apple is aware of a report that this issue may have been actively exploited,” ayon sa Silicon Valley-based company.

Hindi inilahad ng Apple did kung may impormasyon ito ukol sa kung gaano na kalala ang isyu.

Nakasaad sa technical description na maaaring magamit ng hacker ang depekto upang kontrolin ang mga device.

Nakapaglabas na ng patches para sa iPhones, iPads at Mac computers na may operating systems na natukuyan ng aberya. RNT/SA