Application sa Miss Universe PH, extended!

Application sa Miss Universe PH, extended!

February 17, 2022 @ 6:30 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Good news sa mga aspiring beauty queens dahil in-extend ng Miss Universe Philippines (MUP) ang deadline para sa application ng next titleholder.

Ayon sa announcement ng organization at tatanggap sila ng applicants para sa 2022 edition ng pageant hanggang February 22. Originally, ang deadline ay naka-set noong February 15.

In-extend ng MUP ang deadline para mabigyan ang accredited partners ng more time pata i-prepare ang delegates.

Ang requirements para sa applicant should be at least 18 and under 28 years old at the time of the Miss Universe Philippines pageant. Dapat ay Filipino citizen and a Philippine passport holder.

Bukod dito, dapat ay hindi pa ikinakasal at hindi pa nagbubuntis.

Wala namang minimum height requirement na ibinigay ang nasabing organization.

Kokoronahan ng Miss Universe Philippines ang next set of queens sa April 30. Joey Sarmiento