Appointment ni Acuza sa DHSUD, lusot na sa CA panel

Appointment ni Acuza sa DHSUD, lusot na sa CA panel

December 13, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Commission on Appointments panel nitong Martes ang ad interim appointment ni Jose Rizalino Acuzar bilang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

 Inendorso ng CA Committee on Human Settlements and Urban Developmentang kumpirmasyon ng appointment ni Acuzar sa plenary nang wala pang isang oras dahil hindi na nagtanong sa DHSUD secretary ang CA members mula sa House of Representatives. 

Tanging sina Senators Risa Hontiveros at Nancy Binay lamang ang humingi ng update mula kay Acuzar hinggil sa housing projects sa Marawi at sa mga malapit sa riles.

“The 12-member House contingent honored our commitment not to ask questions despite the fact that everyone is raring to ask questions and [has] prepared questions,” ani CA Majority Leader Luis Raymund Villafuerte bago ikasa ang mosyon na ipasa ang appointment ni Azucar. 

“I would like to emphasize the swiftness [with which] we deliberated on the nomination of Secretary Acuzar. We expect the same swiftness in the implementation of the housing program of the President. ‘Yan lang po ang hangarin namin sa inyo, Mr. Secretary,” aniya. 

Inirekomenda naman ni Villafuerte tang kumpirmasyon ng nominasyon ni Acuzar bilang DHSUD secretary na pinagtibay ni Senate President Juan Miguel Zubiri. RNT/SA