Appointment ni Año bilang NSA, kinondena ng ilang grupo

Appointment ni Año bilang NSA, kinondena ng ilang grupo

January 16, 2023 @ 9:34 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinondena ng mga progresibong grupo ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Interior secretary Eduardo Año bilang National Security Adviser (NSA).

“The human rights violations of these generals such as Eduardo Año go back for decades and placing him as the NSA would mean that he would continue and escalate these human rights violations like red tagging, harassment, enforced disappearances and extrajudicial killings against ordinary citizens and critics of the Marcos administration,” pahayag ni Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares nitong Linggo.

Iginiit ni Colmenares na sa ilalim ng pamumuno ni Año bilang Interior secretary na nagsagawa si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng drug war. Sa panahong ito, maraming naitalang nasawi at “harassment” sa mga kritiko ng administrasyon.

Samantala, hinamon ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang bagong NSA.

“Hinahamon namin si Año na agad niyang ilatag ang plano sa usaping pang-seguridad ng ating teritoryo sa harap ng nagpapatuloy na banta ng China sa mga Pilipinong mangingisda,” pahayag ng grupo. “Walang ibang dapat atupagin si Año sa kaniyang posisyon kundi ang magbalangkas ng mga estratehikong polisiya ng administrasyong Marcos para sa ating pambansang soberanya.”

Inilarawan ni ACT-Teacher Rep. France Castro ang pagkakatalaga kay Año bilang pinakabago sa “game of generals.”

“The supposed game of the generals happening now at the Department of National Defense (DND) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) and even the NSA seems to be instigated by a widespread ongoing purge of appointees linked to former Executive Secretary Vic Rodriguez,” ayon sa mambabatas.

Pareho naman ito sa opinyon ni Colmenares: “The purge of AFP and PNP [Philippine National Police] officers is not intended to take out the corrupt or those involved in drugs but is intended to take out what the Marcos administration considers as undesirable.”

Nitong nakaraang linggo, itinalaga ni Marcos si Gen. Andres Centino bilang AFP Chief of Staff (CS).

Palagay ni Castro, ang kaguluhan sa defense sector ay may kaugnayan sa paglagda ni Duterte sa Republic Act 11709 na nagtatakda ng fixed term para sa walo sa most senior AFP officers.

“Such political maneuverings involving the security and armed forces is very dangerous because such activities highlight the patronage system in the military and may lead to tensions within their ranks or even military adventurism if worse comes to worst,” dagdag ng teacher-solon.

Bago maging NSA, nagsilbi si Año bilang AFP CS, Commanding General ng Philippine Army, at Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). RNT/SA