Appointment ni Frasco bilang DOT chief inendorso ng CA panel

Appointment ni Frasco bilang DOT chief inendorso ng CA panel

September 27, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inendorso ng Commission on Appointments (CA) panel onitong Martes ang kumpirmasyon ng ad interim appointment ni Christina Frasco bilang kalihim ng Department of Tourism.

Si CA Majority Leader at Camarines Sur Representative Luis Raymund Villafuerte ang humiling sa CA committee on tourism na iendorso ang appointment ni Frasco sa plenary para sa approval.

Agad namang pumangalawa sa mosyon si CA Chairperson at Senate President Juan Miguel Zubiri.

Si Frasco ay dating alkalde ng Liloan, Cebu, at nagsilbing campaign spokesperson para kay Vice President Sara Duterte noong May elections. RNT/SA