Appointment ni Garcia bilang Comelec chief oks na sa CA

Appointment ni Garcia bilang Comelec chief oks na sa CA

September 7, 2022 @ 2:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng constitutional commissions and offices panel ng Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkules ang presidential appointment ni George Garcia bilang Commission on Elections (Comelec) chairman.

Inirekomenda ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pag-apruba sa appointment ni Garcia sa committee level matapos masagot ni Garcia ang mga katangunan ng mga mambabatas na bumubuo sa CA.

“He has answered our questions well and has plans for the next and future elections, and so I move to approve his appointment,” ani Zubiri.

Tiiyak naman niΒ  sa mga mambabatas na ang kanyang karera bilang isang election lawyer, kabilang na ang pagiging kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay hindi makasasagabal sa kanyang trabaho at pagiging propesyonal.

“I can commit to you, I will always maintain the impartiality of my office and that the institution will always be independent in all its actions,” giit niya.

Nagsilbi rin si Garcia bilang isa sa pitong Comelec commissioners sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/SA