Apprentice coast guard patay sa pamamaril sa Pangasinan – PCG

Apprentice coast guard patay sa pamamaril sa Pangasinan – PCG

January 13, 2022 @ 3:47 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Patay ang 23-anyos na apprentice sa Philippine Coast Guard (PCG) ng hindi pa nakikilalang gunman sa Sual, Pangasinan.

Tinukoy naman ang biktimang si CG Apprentice Seaman (ASN) Angelo Martinez ng PCG District Southern Tagalog.

Batay sa initial report ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni PCG spokesperson CG Commodore Armando Balilo na naganap ang shooting incident sa Barangay Paitan, West Corner Bolaoen Road sa Sual bandang 11:45 p.m. noong Enero 11, 2022.

Si Martinez ay residente ng Barangay Bolaoen at sinabing nakausap pa ang suspek bago ito barilin sa bunganga.

Nakita naman ng isang indibidwal ang katawan nito na nakahandusay sa may motorsiklo at agad isinumbong sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.

Nakuha naman ang dalawang cartridge ng caliber 9mm sa katawan ng biktima.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si PCG District Southern Tagalog Commander CG Commodore Genito Basilio sa pamilya ni Martinez.

“He will not be able to achieve his dreams and aspirations anymore.”

“Rest in peace, CG ASN Angelo Martinez. My snappy salute to you. Salamat sa serbisyo mo sa bayan, anak,” dagdag pa ni Basilio. Jocelyn Domenden