Approval rating ni PRRD tumaas sa 72% – Pulse Asia

Approval rating ni PRRD tumaas sa 72% – Pulse Asia

December 31, 2021 @ 8:39 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Tumaas pa ang approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte approval sa 72%, batay sa pinakabagong Pulse Asia survey.

Isinagawa ang naturang poll mula Disyembre 1 hanggang 6.

Mas mataas ito kumpara sa nakuhang 64% noong Setyembre.

Habang bumaba naman ang approval rate ni Vice President Leni Robredo sa 43% ngayong Disyembre na 48% noong Setyembre.

Samantala, mataas ang rating ni Senate President Tito Sotto na nasa 71% ngayong Disyembre habang tag-31% naman sina Speaker Lord Allan Velasco at Chief Justice Alexander Gesmundo.

Isinagawa ng Pulse Asia ang kanilang survey sa buong bansa na may 2,400 representative ng nasa edad 18 pataas.   RNT/FGDC