Aquaman, pinasilip ang bagong kaharian sa dagat!

Aquaman, pinasilip ang bagong kaharian sa dagat!

July 24, 2018 @ 11:11 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pinasilip na ng DC Comics ang inaabangang pelikula na Aquaman, unang ipinakilala sa Justice League noong nakaraang taon, at sikat na karakter sa komiks ng DC.

Noong January 1976, unang inilabas ang adventure comics na Aquaman at pumatok sa mga mambabasa kaya’t nasundan pa noong 1986 hanggang Setyembre 2007.

Unang ipinakilala sa live action ng Justice League noong 2017 ang karakter ni Aquaman na ginampanan ng aktor na si Jason Momoa.

At ngayong 2018, magkakaroon na siya ng solo film na iikot sa kuwento ni “Aquaman.”

Bunga ng pagmamahalan si Aquaman ng isang light house keeper at reyna ng karagatan.

Sa trailer ipinakita ang magarbong kaharian sa ilalim ng karagatan kung saan susubukang pigilan ni Aquaman ang kaniyang half-brother sa tangkang pagdeklara ng digmaan sa mga tao.

Ang tanging paraan lamang para mapigilan ito ay kung tatanggapin niya ang kaniyang kapalaran para maging hari.

Ang kaabang-abang na pelikula ay mula sa direksyon ng primyadong direkto na si James Wan, nasa likod ng mga sikat na pelikula na The NUN, Insidious, The Conjuring at iba.

Ipapalabaa sa takilya ang Aquaman ngayong taon sa Disyembre 21. (Remate News Team)