Ara Galang, tinanghal na MVP!

Ara Galang, tinanghal na MVP!

July 31, 2018 @ 11:12 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Itinanghal si F2 Logistics Cargo Movers’ winger Ara Galang na Most Valuable Player ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Invitational Cup.

Matapos magpa-rehab ng mahigit isang taon dahil sa malalang left knee injury na natamo niya noon sa semi-finals laban sa National University Lady Bulldogs ay nagbalik na ito sa kanyang passion na volleyball.

Sinabi ni Galang na ninais na niya i-let go ang paglalaro dahil sa hirap ng dinanas niya para magpagaling ngunit nang maka-heart-to-heart talk niya ang head coach na si Ramil De Jesus ay nangibabaw ang kagustuhan niyang ipagpatuloy ang passion na ito.

“Hindi ko iniisip ‘yung MVP, championship kasi talaga gusto ko. Kung nabigay sa akin ‘yung MVP, extra lang talaga,” pahayag ni Ara.

Ang kanyang kapwa Cargo Movers naman na sina Majoy Baron at Dawn Macandili ay pinarangalan ng 2nd Best Middle Blocker at Best Libero, habang si Kim Fajardo ay pinangalanang Best Setter. Remate News Team