Ara Mina, may update kay Barbie Imperial sa isyu kay Paul Salas

Ara Mina, may update kay Barbie Imperial sa isyu kay Paul Salas

August 9, 2018 @ 1:08 PM 4 years ago


Ara Mina has nothing but admiration for young actress Barbie Imperial for her innate sweetness and respect for her colleagues in the business. Magkasama silang dalawa sa ABS-CBN afternoon drama series na “Araw Gabi”.

Super touched si Ara sa sweetness ni Barbie na hindi raw nakalilimot tumawag kapag wala siyang taping.

So far, two weeks ng walang taping si Ara kaya pala-palagi raw siyang kinukumusta ni Barbie.

Last week, napagkasunduan nilang mag-dinner at um-attend ng fellowship sa Christ’s Commission Fellowship (CCF).

Nangyari ito the other day, August 5.

Nai-share pa ni Ara on Instagram ang meeting nila ni Barbie.

Her caption, “Dinner after church with @msbarbieimperial and tita @imperial_bing (wala sa pic si tita) post birthday celebration na rin dahil wala ako sa birthday mo.”

Anyway, Barbie celebrated her 20th birthday last August 1.

Nai-share ni Ara na hindi raw nila masyadong napag-uusapan sa kanilang dinner ang kinasangkutang isyu ni Barbie with rumored ex-boyfriend Paul Salas. “Hindi masyado, e, but she’s okay naman,” she asseverated.

Looking back, naging hot issue ang hiwalayan nina Barbie at Paul nang mag-post si Barbie ng picture niyang may mga pasa sa kanyang mga braso at dibdib last July 14.

But as of presstime, walang official na pahayag ang dalawa tungkol doon.

Anyway, sa IG stories ni Barbie, she posted a video of her and Ara na kuha sa fellowship. DAPAT LANG! ni PETE G. AMPOLOQUIO, JR.