Ara, naglilihi na?

Ara, naglilihi na?

September 21, 2021 @ 1:32 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa kanyang Instagram Stories, nakakaintriga ang litratong ipinost ni Ara Mina, now Mrs. Dave Almarinez.

Nakakaintriga in the sense na nagpapahiwatig ang aktres na nasa “interesting stage” na siya.

Ang picture: plato ng hilaw na mangga.

Naka-tag pa ito sa kanyang mister na nilakipan ng caption na, “Ilang araw na ako nagke-crave ng mangga at bagoong.”

July 1 this year noong ikasal sina Ara at Dave sa Baguio pagkatapos ng ilang postponements due to COVID concerns.

Posible kayang nagdadalantao na si Ara?

Ayon sa mga netizens, it’s about time she conceived a child after Amanda, her love child by Patrick Meneses.

Kalakip ng post ni Ara ay ang pasasalamat kay Dave sa pagiging maunwain nito sa kanyang trabaho.

Hirit ng mga netizen, hindi para mag-post ng litrato ng mangga’t bagoong si Ara kung walang dahilan. After all, her pregnancy is expected. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •