Ara, priority ang pagbubuntis, pinatay na sa Ang Probinsyano!

Ara, priority ang pagbubuntis, pinatay na sa Ang Probinsyano!

May 9, 2022 @ 12:15 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Pinatay na ang karakter ni Ara Mina sa FPJ’s Ang Probinsyano.

That means na hindi na siya mapapanood doon maliban kung may mga flashback scenes.

Hindi muna priority ni Ara ang showbiz dahil ang pagkakaroon nila ni Dave Almarinez ng anak ang pagtutuunan niya ng pansin.

Aminado si Ara na nagkakaedad na siya.

Besides, malaki na naman daw ang panganay niyang si Amanda, her daughter by Patrick Meneses.

Speaking of Dave, hindi napigilan ni Ara na maging emosyonal sa mga paninira sa asawa.

Aniya, siya raw ang nakakakilala sa pagkatao nito. Ronnie Carrasco III