Ara, tinaningan ang pagbubuntis!

Ara, tinaningan ang pagbubuntis!

November 23, 2022 @ 8:00 AM 1 week ago


Manila, Philippines – May kasabihan ngang, “Try and try until you succeed.”

Ito ang pinanghahawakan ni Ara Mina who hopes to get pregnant by her husband Dave Almarinez.

Isa’t kalahating taon na nga naman silang kasal.

“Pero hindi kami makabuo, eh,” napabunghalit ng tawa ang 43 anyos na aktres.

Ara has a six-year old daughter Amanda Gabrielle by Patrick Meneses.

Si Dave, 48, also has a 16-year old daughter named Kirsten from his previous relationship.

Gayunpaman, Ara has not given up her hope na mabubuntis siya.

Sa katunayan, she’s giving herself until next year.

“Tingnan natin, ita-try ko,” positibo niyang sabi.

Sa ngayon daw ay tinanggap niya ang offer to do a teleserye.

In case daw na mabuntis siya while doing the series ay walang problema.

Hindi naman binanggit ni Ara ang worst case scenario kung sakaling hindi ipahintulot ng Nasa Itaas na pagkalooban sila ng supling.

Samantala, ipinagmamalaki ni Ara na ang kanyang Hazelberry Cafè na isang pastry shop and restaurant ay may pito nang branches, its continuing success she owes to her business partners and patrons.

Hazel is Ara’s real first name. Ronnie Carrasco III