Ara, umaasa sa pagbabati nina Sunshine at Macky!

Ara, umaasa sa pagbabati nina Sunshine at Macky!

October 31, 2022 @ 11:32 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Kung walang Ara Mina, wala sanang namuong relasyon sa pagitan nina Sunshine Cruz at Macky Mathay.

Matalik na kaibigan ni Ara si Sunshine samantalang half-brother naman niya si Macky.

To her credit, Ara was responsible kung bakit nagkrus ang landas ng dalawa and eventually ended up as a romantic couple.

Pero may balita na ngang tapos na ang maliligayang araw ng mga ito, and Ara being an instrument to their romance can’t hide her sadness.

Aniya, “Siyempre malungkot.”

Pero hindi naman daw ang tipo ni Ara ang usyosohin pa ang mga ito what went wrong.

Patuloy niya, “Tine-text ko sila. Sabi ko, ‘Let’s go out together.’ Magte-text back sila sa akin, ‘Oo ba, busy lang sa work’ ‘Yung isa naman, busy sa office.”

Pag ganoon daw ay hindi na nag-uusisa pa si Ara.

“I don’t ask them, ‘Oh, what happened? Totoo ba?’,” referring to rumors about their breakup.

Mas gugustuhin daw ni Ara na manggaling mismo sa mga bibig ng taong involved ang real score ng kanilang relasyon.

Aminado si Ara na hindi rin niya nasusubaybayan ang mga posts nina Sunshine at Macky sa social media.

“Better na malaman ko straight from them,” aniya.

Pero tahasang sinabi ni Ara na posibleng may pinagdadaanan lang daw talaga.

Normal naman daw sa magkasintahan na magkaroon ng lovers’ quarrel.

Short of saying na darating ang araw na mapapalitan ng saya ang kanyang kalungkutan.

After all, ang tagumpay o kabiguan ng mga pinares niya ay success o failure din ni Ara. Ronnie Carrasco III