Arabic teacher itinumba sa Zamboanga City

Arabic teacher itinumba sa Zamboanga City

July 11, 2018 @ 4:37 PM 5 years ago


Zamboanga City – Patay ang isang guro habang kritikal ang kanyang anak makaraang tambangan sa Talon-Talon loop, Barangay Talon-Talon, Zamboanga City kamakalawa.

Sakay ng motorsiko si Ibrahim Bakil Baguinda, 34-anyos, at angkas ang 3-taong gulang nitong anak na si  Nuahra na pauwi na sana dakong alas-10 ng gabi.

Nang mapadaan sa harap ng isang tindahan ang mag-ama ay pinuntirya sila ng mga suspek na sakay rin ng motorsiklo.

Nang bumagsak na si Baguinda, muli siyang pinaputukan ng mga suspek bago tumakas.

Ayon pa mula kay Chief Superintendent Edwin de Ocampo, deputy regional director for administration ng Police Regional Office 9, nakasuot ng full face helmet, itim na mask at itim na jacket ang mga suspek.

Iniimbestigahan na ng pulisya ng motibo sa pagpaslang kay Baguinda na sinasabing nadagdag sa mahigit 30 nang napapatay sa Zamboanga ngayong taon. (Jeff Gallos)