Aral at buhay ni ex-Pope Benedict XVI isapuso – Advincula

Aral at buhay ni ex-Pope Benedict XVI isapuso – Advincula

January 2, 2023 @ 3:10 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula sa mga mananampalataya na pag-aralan at sundin ang mga turo at buhay ng yumaong Pope Emeritus Benedict XVI.

Sa kanyang New Year’s Day message,
nagbigay-pugay ang Arsobispo sa yumaong Papa at hinimok ang publiko na ipagdasal ang kanyang kaluluwa.

“Let us honor the memory of Pope Emeritus Benedict XVI by learning from his preaching and following his example of Christian life,” sabi ng Cardinal.

“Let us pray for him that God may welcome him into his Kingdom.”

Pinaalalahanan din ni Advincula ang publiko na mahalagang alalahanin ang dating Papa mula Germany para sa matapang na pagsaksi sa Ebanghelyo sa modernong mundo na nabahiran ng mga bali at pag-aalinlangan.

“He prophetically warned us against the “dictatorship of relativism from which our post-truth world is now suffering. He proclaimed the truth of the Gospel through the gift of his eloquence, but also more poignantly, through his humility and silence,” ani Advincula.

“Together with the whole Church and all persons of goodwill, we mourn his death,” dagdag pa niya.

Pumanaw si Pope Emeritus Benedict XVI noong Sabado, Disyembre 31 sa kanyang tinutuluyan sa Vatican sa edad na 95. Jocelyn Tabangcura-Domenden