Aral sa dengvaxia ‘wag kalimutan sa COVID pediatric vaccinations- Salceda

Aral sa dengvaxia ‘wag kalimutan sa COVID pediatric vaccinations- Salceda

January 19, 2022 @ 9:19 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Albay Rep at House and Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na magkaroon ng maayos na preparasyon sa gagawing covid  pediatric vaccination upang hindi maulit ang nangyari sa dengvaxia na maraming bata ang namatay.

“the national government must learn the lessons of Dengvaxia and ensure that there is strong screening, public communications, and informed consent measures around the planned COVID-19 vaccination of children ages 5 to 11″ani Salceda.

“These children are below the age of reason, so we really need very strong measures to ensure that one, parents know exactly what they are signing their children up for. We also need strong screening procedures, so from now, we should already be having Barangay Health Workers do questionnaires and profiles of children in their constituencies,”paliwanag pa ng mambabatas.

Tinukoy ni Salceda na isa sa dahilan ng bigong Dengvaxia vaccination ay mahinang screening procedures.

.

“Screening, in particular, will be reassuring. If there are pediatricians on site, and not just nurses, that will probably be both safe for the children and reassuring to the parents. US protocols for pediatric vaccination indicate some need for screening for allergies. It’s best to have doctors ready to respond in case any adverse  reaction takes place,”dagdag pa nito.

Pinalalakas din ni Salceda ang komunikasyon para sa pagpapabakuna sa pediatric covid,aniya, ngayon pa lamang ay dapat nagsasagawa na ng information drive para sa posibleng panganib at benepisyo ng covid vaccine sa mga bata.

Nasa 15 million Pfizer doses na ang nabili ng gobyerno para sa pagpapabakuna sa 11 anyos pababa at inaasahang masisimulan sa susunud na buwan.

Iminungkahi ni Salceda na unahin na mabigyan ng bakuna ang mga bata na naninirahan sa mga lugar na may

high transmission at may co-morbidities.

Habang nakatutok sa pediatric vacination iginiit ni Salceda na hindi pa rin dapat pabayaan ang ginagawang adult vaccination.

“Vaccinating qualified adult household members not only protect these individuals, but also extends protection to children and other vulnerable persons who cannot be vaccinated'”pagtatapos pa ni Salceda. Gail Mendoza