QC barangay kagawad arestado sa loteng

June 22, 2022 @12:22 PM
Views:
60
Quezon City, Philippines-Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit  ng Quezon City Police District ang nakilalang isang barangay kagawad ng Doña Aurora sa lungsod, matapos maaktuhang nagpapataya ng loteng kamakailan.
Sa operasyong ikinasa ni CIDU chief PLTCol Mark Julio Abong dakong 5:40 ng hapon noong Hunyo 20, nasakote ang suspek na si Elizer Dela Cruz y Delanon, 64 na taong gulang, may asawa at naninirahan sa 65 Lopez Jaina St., Barangay Doña Aurora ng lungsod.
Ito ay kaugnay sa pinaigting na pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa pamayanan para sa malawakang kampanya laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal na iniutos ni QCPD District Director Remus Medina.
Batay sa ulat ni CIDU chief Abong kay QCPD Director Medina, naging epektibo ang partisipasyon ng isang concerned citizen na nag-ulat sa nagaganap na lantarang kolektahan ng pataya sa kahabaan ng Lopez Jaina Street sa nasabing barangay.
Naaktuhan ang suspek ng tropang inorganisa ni General Assignment Section OIC PEMS Rommel Merino na nagpapataya, kung saan nakumpiska ang kaniyang listahan ng mga numerong taya sa EZ2-loteng, ballpen at halagang p200 na koleksyon.
Si Dela Cruz ay sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended ng Republic Act 9287 o EZ2/Loteng ng QCPD sa piskalya. Â RNT
Pagkuha ng business permit sa Kyusi online na

June 20, 2022 @6:42 AM
Views:
103
MASAYANG ibinalita ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte nitong Linggo na âdi na kailangan pang pumila at pumunta ng City Hall ang mga may-ari ng negosyo upang kumuha o’ mag-renew ng kanilang business permit dahil isang “click” na lang ang kailangan sa pagproseso nito.
Ito ay matapos mag-100 percent online na, ang Business Permits and Licensing Department noong nakaraang linggo.
Bilang karagdagan sa online business permit application, ang mga may-ari ng negosyo ay maaari na ring humiling at magbayad para sa kanilang business tax assessment nang hindi bumibiyahe o pupunta pa sa city hall sa pamamagitan ng QC E-Services platform.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na ang hakbang na ito ay bahagi ng streamlining efforts ng lungsod kasama ang online business permit application, na dati nang inilunsad noong Oktubre 2020.
âIbinabalik namin ang pabor sa mga may-ari ng negosyo na kabilang sa mga pangunahing driver ng aming paglago. Sa pamamagitan ng paghahatid ng mga mahusay na sistema at serbisyo, matutulungan sila ng pamahalaang lungsod na makatipid ng oras at mas tumutok sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo,â ani Belmonte.
Paliwanag naman ni Margie Santos, hepe ng BPLD, lahat ng may-ari ng negosyo na gustong humiling ng kanilang local business tax assessment ay maaari nang gawin ito sa pamamagitan ng QC E-Services portal (https://qceservices.quezoncity,gov.ph)Â sa ilalim ng âPay Business Tax â menu.
Aniya, ang parehong mga negosyong nakarehistro sa Bureau of Internal Revenue at hindi nakarehistro tulad ng mga sari-sari store ay maaaring gumamit ng online application.
Pinaalalahanan ni Santos ang mga nagbabayad ng buwis na ihanda ang lahat ng mga naaangkop na dokumento na dapat i-upload sa system tulad ng Notarized Monthly Gross Sales, Proof of Authority, Certificate of Authority mula sa DTI, at Mayorâs Permits ng iba pang sangay sa labas ng Quezon City.
Kapag naibigay na ang lahat ng kinakailangang impormasyon at naisumite ang mga dokumento, parehong ipapadala ang tracking number at resibo ng pagkilala sa pamamagitan ng nakarehistrong email address ng may-ari ng negosyo.
Aniya, pagkatapos masuri, depende sa pagkakumpleto ng mga dokumento at pagiging kumplikado, ipadadala ng City Treasury ang huling bayarin sa pagtatasa ng buwis sa pamamagitan ng portal. Lalabas din ang button na âMagbayadâ sa page ng pagbabayad ng buwis sa negosyo ng user.
Maaaring pumili ang mga nagbabayad ng buwis sa pagitan ng online na pagbabayad sa pamamagitan ng GCash o Paymaya, o sa pamamagitan ng mano-manong pagbabayad sa alinmang sangay ng Landbank of the Philippines.
Pinaalalahanan din ni Belmonte, ang mga nagbabayad ng buwis na maging mapagbantay at mag-ulat ng mga fixer sa pamamagitan ng âPeopleâs Cornerâ sa opisyal na website ng Quezon City Government, www.quezoncity.gov.ph.
Ngayong Lunes, ilulunsad ng BPLD ang Philippine Business Hub, isang livestream discussions sa Facebook page ng Philippine Business Hub – Central Business Portal, via Zoom meeting.
Tigil-Palengke Day sa Balintawak Market

June 10, 2022 @10:11 AM
Views:
99
Manila, Philippines-Nagdeklara ng Tigil- Palengke Day ang mga tinderoât tinder sa Balintawak Cloverleaf Market Association kahapon ng umaga para iprotesta ang umanoây hindi maayos na pamamahala ng bagong market administrator sa ilalim ng pamamahala nina Connie Asuncion, Roberto de Guzman at Judge Miguel AsunciĂłn.
Dakong alas-7:30 ng umaga nang huminto sa pagtitinda ang mga opisyales at miyembro ng Balintawak Cloverleaf Market Association na nakaapekto nang malaki sa mga mamimili, partikular na ang mga negosyanteng nangunguha ng kanilang paninda.
Isa sa inirereklamo nila ay kahit noong kasagsagan ng pandemic, tatlong ulit na itinaas ang kanilang arawang upa kahit wala man lang pasabi sa kanila.
Isa rin aniya ito sa dahilan kung bakit biglang nagtaasan ang presyo sa Balintawak Market.
Ang Balintawak Cloverleaf Market ang isa sa pinakamalaking palengke sa bansa na kilala rin sa pagiging âbagsakanâ ng mga produktong mula sa Baguio, Pangasinan, Batangas at iba pang probinsiya.
Ayon kay Balintawak Cloverleaf Market Association President Miguelito Mangunay, tinangka nilang makipag-usap sa mga may-aring sina Roberto De Guzman at Judge  Miguel Asuncion upang pag-usapan ang samuât sari nilang karaingan, ngunit hindi ito nangyari.
Sinabi nilang wala rin umanong naipakitang bagong lease of contract sa mga vendor ang mga bagong may-ari.
Bukod dito, inirereklamo nila ang pangit na pasilidad, sewerage treatment at iba pang pangangailangan ng mga tinderoât tindera ng palengke.
Nabatid na nasa ilalim ng bagong pamamahala ang Balintawak Market, ngunit wala umanong pakikipag-ugnayan na isinagawa para sa kanila.
Nabatid na ang Balintawak Cloverleaf Market ay iniimbestigahan na rin ng Bureau of Internal Revenue dahil sa kabiguang magbayad ng buwis.
Ang masaklap, ayon pa sa mga nagrereklamo, wala rin umanong Market Permit at Business Permit mula sa pamahalaang lokal ng Quezon City.
Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni Quezon City Market Development and Admin head retired Colonel Popoy Lipana na minsan nang nagtangkang mag-apply ng permit ang Balintawak Market, ngunit hindi na ito nangyari.
Nakahanda naman ang pamahalaang lokal na tumulong upang maayos ang problema ng malaking palengke upang hindi na makaapekto ng malaki sa mga vendor at hindi na rin madamay ang mga mamimili, partikular na ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
Mahigit sa 1,200 vendors ang sumali sa Tigil Palengke Day at nangakong ipagpapatuloy ito hanggat hindi nakakamit ang kanilang panawagan.
Para sa kanila, ang bagong pamunuan ng palengke ay hindi natutugunan ang kanilang pangangailangan. RNT
Customs execs idinepensa

June 6, 2022 @1:14 PM
Views:
198
Manila, Philippines-Dumepensa ang Bureau of Customs (BOC) sa mga lumabas na ulat noong isang linggo kung saan inakusahan ang dalawang opisyal nito na sangkot sa mga katiwalian at naghahanap ng âtulayâ sa kampo ni President-elect, Bongbong Marcos, upang manatili sila sa kanilang mga puwesto.
Sinabi ni Atty. Vincent Maronilla, BOC spokesperson, na patuloy  na nakatutok ang ahensya sa tungkulin nito na makatulong sa pagbangon ng bansa dahil sa negatibong epekto ng pandemya ng COVID-19 sa nakaraang dalawang taon at kahit minsan aniya ay hindi rin totoo na ânakialamâ sa trabaho ng Aduana ang naturang religious group.
Bukod dito, kinikilala rin umano ng liderato ng BOC sa pangunguna ni Comm. Rey Leonardo Guerrero, ang malaking ambag nina Atty. Vener Baquiran, Deputy Commissioner for Revenue Collection and Monitoring Group at, Atty. Teddy Raval, Deputy Commissioner for Enforcement.
âThe Bureau of Customs remains focused on our task in helping our country in its effort to recover from the effects of the pandemic against our economy,â ani Maronilla sa kanyang pahayag.
âAs in the previous years the bureau recognizes the hard work done by Deputy Commissioners Baquiran and Raval together with those of the other officers and personnel of the Bureau of Customs.
âThe BOC would also like to clarify that in no instance did they (religious group) intervened in the operations of the Bureau,â diin pa ni Maronilla.
Bilang hepe ng RCMG, si Baquiran ang nakatalaga sa monitoring ng pumapasok na buwis sa kaban ng Aduana at responsable sa pagsasampa ng mga kaso ng ismagling sa Department of Justice.
Sapul noong Hunyo 2021 hanggang ngayong Mayo 2022, tuloy-tuloy ang âsurplus tax collectionâ ng Aduana, kung saan noong nakaraang taon, nakakolekta ng P645.8 bilyon ang BOC, lampas ng P29 bilyon sa target nitong P616.8 bilyon.
Mula naman Enero hanggang Mayo 2022, naabot na ng BOC ang higit 47 porsiyentong kabuuang collection target nito ngayong taon na P679.23 bilyon dahil sa patuloy na surplus tax collection ng ahensiya sa pagpasok ng taon. Para sa buwan ng Mayo, nagrehistro ng sobrang koleksyon na higit P11 bilyon ang BOC.
Patuloy ring tinutukan ng tanggapan ni Baquiran ang higit 200 kaso ng ismagling na naisampa ng BOC sa DOJ bilang pagsunod sa utos ng Malakanyang at ni Comm. Guerrero na huwag tantanan ang kampanya laban sa ismagling.
Sa panig naman ni Raval, bukod sa superbisyon sa Customs Police (Enforcement and Security Service, ESS), sa kanyang panahon din bilang hepe ng EG naging isang reyalidad ang âBOC Water Patrol Divisionâ na pinasinayaan pa ni Comm. Guerrero at Finance Secretary Carlos Dominguez noong nakaraang Pebrero.
Ang tanggapan din ni Raval ang namamahala sa pagpapatupad ng âFuel Marking Programâ ng gobyerno kung saan noong 2021, higit P60B ang nakolektang dagdag na buwis ng BOC dahil sa FMP.
Sa bukod namang pahayag, tinawag namang âmalisyosoâ at âwala kahit isang bahid na katotohananâ ng dalawang opisyal ang nasabing akusasyon.
âIt is unfair not only to concerned religious group, to the customs leadership under Comm. Rey Leonardo Guerrero but also, to us, because we were never given a chance to air our side,â ayon pa kay Baquiran. RNT
Twitter post ni Robles inalmahan ng solon

June 4, 2022 @9:23 AM
Views:
110