Arawang bagong kaso ng COVID sa NCR aabot ng 6K-8K ngayong Enero – OCTA

Arawang bagong kaso ng COVID sa NCR aabot ng 6K-8K ngayong Enero – OCTA

January 1, 2022 @ 9:44 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Posibleng umabot sa 6,000 hanggang 8,000 ang arawang bagong kaso ng COVID sa Metro Manila ngayong Enero, batay kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

“Tandaan natin na yung pinakamataas natin noon umabot tayo ng 6,000 to 8,000 cases sa Metro Manila noong peak ng Delta surge. Maaring mahigitan natin yan ngayon,” ani David sa Super Radyo dzBB.

“Unfortunate pero yan yung nakikita nating trajectory mukhang makikita natin ‘yan this January na ganyan karaming bilang ng kaso.”

“It is exponentially increasing, so it’s increasing at a very fast rate. Something we haven’t seen. I mean we may have seen it only on the early part of the pandemic,” dagdag pa nito.

 “There could be several factors, ‘yung holiday factor, of course. There’s already a possibility that the Omicron may be spreading already. We’re not saying that it is spreading. We’re waiting for genome confirmation.”

Mula sa na-project na 3,500 hanggang 4,000 kaso ngayong Enero 1, iginiit ni David na posibleng 3,000 nito ay galing sa National Capital Region (NCR).

“‘Yung mga projections, again, those are the worst-case scenarios. It’s not a guarantee that it will happen. We hope that the cases will be controlled very soon.” RNT/FGDC