Arawang bilang ng pasahero sa PNR kaunti pa rin

Arawang bilang ng pasahero sa PNR kaunti pa rin

March 15, 2022 @ 2:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nananatili pa rin ang bilang ng arawang pasahero ng Philippine National Railways (PNR) sa gitna ng pagluluwag sa coronavirus disease (COVID-19) restrictions at serye ng pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa tagapagsalita nito ngayong Martes.

Inilahad ni Atty. Celeste Lauta na umakyat lamang ang bilang ng arawang pasahero mula 13,000 sa 18,000, na mas mababa kumpara sa kapasipad nito na 65,000 pasahero.

“Hindi pa. Sustain pa din po tayo at 18,000 passengers. Tumaas naman po nang kaunti. Dati po 12,000, 13,000 ganyan,” aniya.

Paliwanag naman ni Lauta, hindi pa lubusang umaakyat ang bilang ng mga pasahero dahil limitado pa lamang ang face-to-face classes at karamihan sa mga pasahero nila ay mga estudyante.

Nananatili naman ang pamasahe sa PNR mula P15 hanggang P60. RNT/SA