Arawang COVID cases sa NCR, 91 na lang; reproduction rate sa 0.39 – OCTA

Arawang COVID cases sa NCR, 91 na lang; reproduction rate sa 0.39 – OCTA

December 13, 2021 @ 9:22 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pumapatak na lang sa 91 ang naitatalang average na arawang kaso gn COVID-19 sa National Capital Region kung saan nasa 0.39 na lang ang reproduction rate nito, ayon sa OCTA Research, Lunes.

Ang naitalang datos ay mula Disyembre 6 hanggang Disyembre 12, mas mababa na ito sa 105 kaso kada araw noong nakaraang linggo.

“The 7-day average in the NCR decreased to less than 100 for the first time since March 22 to 28, 2020,” ani OCTA fellow Dr. Guido David sa tweet.

Sa kabilang banda, tumaas ng bahayagya ang reproduction rate sa NCR, mula sa dating 0.34 lang.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa antas ng bilis ng hawaan kada isang kaso.

Sa kabila nito, “very low risk” na ang NCR laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH) mula sa dating kalsipikasyon nito na minimal risk.

Ang mga syudad ng Pateros, Caloocan, Las Piñas, Mandaluyong, Parañaque, Marikina, Pasig, Navotas, Valenzuela, San Juan, Manila, Pasay, at Taguig ay klasipikado ring low risk. RNT