Arawang kaso ng COVID-19 sa NCR tumaas

Arawang kaso ng COVID-19 sa NCR tumaas

May 20, 2022 @ 1:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tumaas ng 19 porsyento ang daily average ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na pitong araw bagama’t nananatili sa “low risk” ang rehiyon ayon sa OCTA Research nitong Biyernes.

Inilahad ng independent monitoring group na tumaas ang mga kaso mula Mayo 13 hanggang 19 sa 71 mula sa 59 na naitala mula May 6 hanggang 12.

Tumaas din ang reproduction number ng NCR sa 0.90, na itinuturing na “moderate,” mula 0.76, na itinuturing namang mababa.

Samantala, nananatili naman ang positivity rate sa 1.2 porsyento habang ang hospital care utilization rate ay nananatili sa 22 porsyento sa NCR.

Umakyat din ang average daily attack rate (ADAR) mula 0.42 sa 0.50 “but remained very low (less than 1),” sabi ng OCTA.

“Overall, NCR remained at LOW RISK,” giit pa nito.

Isa ang NCR sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1, ang pinakamaluwag sa COVID-19 alert levels. RNT/SA