Arawang kaso ng COVID sa NCR patuloy ang pagtaas – OCTA

Arawang kaso ng COVID sa NCR patuloy ang pagtaas – OCTA

February 26, 2021 @ 9:50 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inaasahang magpapatuloy pa ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kung saan makatutulong sa pagpigil nito ang pagpapatupad ng localized lockdown, ayon sa OCTA Research.

Sa ulat ng independent research group nitong Huwebes, sinabi nila patuloy ang pagtaas ng antas ng pagkahawa sa Metro Manila na umabot na sa 1.32 mula 1.22 noong Pebrero 21.

“New cases in NCR are expected to increase at least in the short term,” ayon sa grupo. “Positivity rate in NCR was 5% over the past seven days.”

Ngayon ay nasa 56 barangay at lugar na ang isinailalim sa localized lockdown sa Pasay matapos makataan din ng 160% surge sa mga bagong kaso ng virus mula Pebrero 16 hanggang 21.

Base rin sap ag-aaral ng OCTA na nakapagtala rin ng 40% pagtaas sa kaso ng COVID sa Malabon, Manila, Makati, Taguig, Parañaque at Marikina kumpara sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa buong bansa naman, nakitaan ang Cebu City ng pinakamataas na bagong mga kaso ng COVID-19 na umaabot sa 220 kada-araw sa nakalipas n apitong araw, Pebrero 16-22.

16 porsyentong positibity rate at 21 kada 100,000 arawang attack rate ang naitala.

Sa kabila nito, sinabi naman ng OCTA na bumagal na ang trend sa Cebu.

 

“Hospital occupancy was still moderate at 53 percent, as the increase in critical care utilization has been controlled not just b the slowing down of the pandemic in Cebu City, but also the continued pandemic management of the local government, which helped increase hospital bed capacity by at least 10 percent,” ayon sa OCTA. RNT


  •  
  •  
  •