Arcade sa Cavite, sinalpok ng SUV; 1 patay, 12 sugatan

Arcade sa Cavite, sinalpok ng SUV; 1 patay, 12 sugatan

March 14, 2019 @ 8:11 AM 3 years ago


Cavite – Isa ang patay habang 12 iba pa ang sugatan matapos salpukin ng SUV ang isang arcade sa loob ng mall sa Carmona, Cavite, nitong Miyerkules.

Ayon kay Police Major Rommel Carcellar, chief ng Carmona PNP, isa ang naitalang namatay dahil sa tinamong malalang sugat sa ulo.

Mabilis naman na isinugod sa ospital ang 12 iba pang sugatan, kabilang ang limang menor.

Sa ulat, nakatulog umano ang drayber na kinilalang si Rosendo Mamucod sa loob ng sasakyan na naka-park habang ang kaniyang asawa ay bumili lamang saglit ng gamot.

Naka-confine din sa ospital si Mamucod, napag-alaman na kagagaling lamang sa stroke ilang buwan pa lang ang nakalilipas.

Nakikipagkoordinasyon na ang mga pulis sa pamunuan ng mall upang magsagawa ng karagdagang imbestigasyon sa naganap na insidente.

“Nakapagrequest na kami ng CCTV footage ng mall para at least malinawan din natin kung totoo talaga na suddenly nag-accelerate,” ani Carcellar.

Samantala, inihahanda na rin ng pulisya ang kasong kahaharapin ni Mamucod./Remate News Team