Archipelagic sea lanes, air routes bill, lusot na sa Kamara

Archipelagic sea lanes, air routes bill, lusot na sa Kamara

May 31, 2022 @ 8:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Aprubado na huli at ikatlong pagbasa sa House of Representatives ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act o ang panukalang magtatakda ng sea lanes at air routes para sa foreign ships at aircraft na dadaan sa teritoryo ng Pilipinas.

Sa botong 186 pabor at walang pagtutol ay aprubado na ang House Bill 10814 at ipapasa na ito ng Kamara sa Senado.

Nakapaloob sa panukala ang pagtatakda ng mga coordinates sa sea lanes at air routes gayundin ang paglilinaw sa karapatan at obligasyon ng mga foreign ships at aircraft na dadaan sa archipelagic sea lanes.

Inaatasan ang Pangulo ng bansa na magpalabas ng rules and regulations para sa management at security sa archipelagic waters upang maiwasan na ang arbitrary international passage.

“It penalizes non-compliance with the provisions of the measure, and with existing fisheries, environmental, customs, fiscal, immigration, sanitary and other pertinent laws”nakasaad sa panukala.

Matatandaan na noong Marso 2022 ay hiniling ng Department of Foreign Affairs na magkaroon ng “archipelagic sea lanes” sa teritoryong sakop ng bansa dahil ang kawalan nito ang syang dahilan ng pagpasok ng China sa Philippine maritime waters.

“this is exactly what China used to justify the passage of its warships over Sibutu passage between North Borneo and Sulu . Therefore, not designating ASLs (Archipelagic Sea Lanes) would allow foreign countries exercise archipelagic sea lanes passage in whatever route they consider or insist as routes normally used for international navigation,” nauna nang pahayag ng DFA. Gail Mendoza